Ang hirap maging IT Student. Ewan, ang broad ng topics tapos hindi pa consistent. Kati-take ko lang ng NCIV ng TESDA noong Huwebes tsaka kahapon pero COC1: Object-Oriented Programming lang ang naipasa ko. Bobo ko lang talaga sa C Programming Language. So ayun, hindi ako NCIV Passer. Sabi-sabi pa naman ito yung parang Licensure Exam ng mga IT People, sayang din yung 500 pesos na ibinayad ko kasi nga hindi ko naipasa ang COC1. Pero okay na din yun kasi kung hindi dahil sa exam na to e hindi ko makikilala ang future boss ko. haha, charooot lang. Kasi naman yung dean ng ACLC Butuan e sobrang na-appreciate ang talent ko sa OOP kaya ayun, he offers me to work at ACLC Butuan after kong grumaduate next year. Ang saya lang kasi hindi ko inexpect sasabihin niya yun sa’kin tsaka di pa nga ako graduate, may trabaho na agad naghihintay sa akin.
So, ito ang tunay na good news. Praise God! :)
Good Morning!
(Source: eirishainjel)











